Si Fujiko F. Fujio ay ipinanganak sa Takaoka, Toyama Prefecture noong Disyembre 1, 1933. Ang tunay niyang pangalan ay Hiroshi Fujimoto. Naging isa siyang sikat na "Comic Artist" matapos niyang gawin ang "Anghel na si Tama-chan" noong 1952. Kasama ng kaibigan niyang si Motoo Abiko ay nakilala sila bilang Fujiko Fujio. dahil sa mga ginawa nilang sikatna babasahing pambata gaya ng "Doraemon", "Obake no Q-Taro", "Perman" at "Kiteretsu Encyclopedia". Nagkahiwalay at nag-kanya-kanya sila ng trabaho noong 1998. Lumikha ng malaking pangalan ang Fujiko F. Fujio sa daigdig ng babasahing pambata. Siya ay namatay noong Setyembre 23,1996 sa edad na 62.