野比 玉子 Nobi Tamako 片岡玉子Kataoka Tamako | |
---|---|
Impormasyon sa Karakter | |
Kalagayan: | Buhay |
Uri: | Tao |
Kasarian: | Babae |
Edad: | 30-40 na edad |
Kaarawan: | Ika-16 ng Pebrero |
Nasyonalidad: | Hapones |
Tahanan: | Nerima, Tokyo |
Trabaho: | Maybahay |
Mga Katangian | |
Personalidad: | Madaling mainit ang ulo, istrikto, seryoso |
Hilig: | Magluto, magtahi |
Ayaw: | Ipis, bagsak si Nobita |
Kinatatakutan: | Ipis |
Pisikal na Katangian | |
Kulay ng Buhok: | Itim (Manga, 1979 anime, 2005 anime) Kayumanggi (1973 anime) |
Kulay ng Balat: | Puti |
Kulay ng Mata: | Itim |
Relasyon | |
Magulang: | Lola ni Nobita Lolo ni Nobita |
Mga Kapatid: | Tamao |
Asawa: | Tatay ni Nobita |
Mga Anak: | Nobita |
Mga Kaibigan: | Nanay ni Shizuka, Nanay ni Damulag, Nanay ni Suneo |
Iba pang Impormasyon | |
Nag-boses (Hapon): | Noriko Ohara (1973 anime) Sachiko Suetsune (1979 anime) Kotono Mitsuishi (2005 anime) |
Nag-boses (Tagalog): | Hazel Hernan |
Nag-boses (Ingles): | Mari Devon Catherine Fu (UK English) |
Ang Nanay ni Nobita (のび太のママ Nobita no Mama) o Tamako Nobi (野比 玉子 Nobi Tamako) ay isang karakter sa seryeng Doraemon. Siya ang nanay ni Nobita at kumupkop kay Doraemon.
Personalidad[]
Sa kanyang kabataan, siya ay suwail at tamad kagaya kay Nobita. Pero sa kanyang edad, siya ay seryoso pagdating sa mga kalokohan ni Nobita. Pinaparusahan niya si Nobita sa kanyang ginagawa, mula katamaran hanggang pagsagot sa kanyang ina. Pero, mahal niiya si Nobita kahit hindi perfekto si Nobita.
Relasyon[]
Tatay ni Nobita[]
Siya ang asawa ni Tamako. Nagmamahalan silang tapat. Sa isang episode, dahil pinapakialaman nina Nobita at Doraemon ang panukala ni Nobisuke kay Tamako, muntik na nagbago ung Future nila, kagaya ng malapit ng pagkawala ni Nobita sa timeline. Pero sa huli, inayos nina Doraemon at Nobita ang lahat at natanggap ni Tamako ang panukala ni Nobisuke.
Nobita[]
Siya ang anak ni Tamako. Palagi niyang pinaparusahan si Nobita sa kanyang ginagawa, pero mahal nila ang isa't isa. Sinabi ni Nobita sa iang episode na kahit madaldal siya at masungit, mahal parin niya ang kanyang ina.
Doraemon[]
Kinupkop ni Tamako si Doraemon nung nagsimulang dumating siya sa buhay ni Nobita. Minsan ay tinutulungan ni Doraemon si Tamako sa mga gawaing bahay.